HomePower Beats Club

“2016 Miss Universe Iris Mittenaere, excited na sa kanyang muling pagbabalik Pilipinas”

2016 Miss Universe Iris Mittenaere, excited na sa kanyang muling pagbabalik Pilipinas

Dadagsang muli ang Miss Universe beauties dito sa Pilipinas simula December 5.

Opisyal nang inanunsyo ni 2016 Miss Universe Iris Mittenaere sa kanyang social media account ang kanyang muling pagbabalik sa Pilipinas ilang buwan matapos siyang koronahan dito bilang 65th Miss Universe.

Bukod kay Iris, inaasahan din ang unang beses na pagbisita ng bagong Miss Universe na si Demi-Leigh Nel-Peters ng South Africa para sa ilang activities ng Miss Universe Organization sa Pilipinas sa pakikipag tulungan ng Department of Tourism.

Kabilang din umano sa mga nakalinyang activities ng mga Miss Universe ay ang fashion show kasama ang ilan sa mga kandidata ng 66th Miss Universe pageant.

Ayon sa mga balita magsisimula ang pagdating ng mga kandidata simula this December 5.