HomePower Beats Club

“25-year-old Brazilian model crowned as 2017 Miss Asia Pacific International”

Wagi ang Brazilian beauty na si Francielly Ouriques sa katatapos na coronation night ng 2017 Miss Asia Pacific International na ginanap sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.

Proud at alay umano ng newly crowned 25-year-old beauty queen ang kanyang success para sa kanyang mga kababayan sa Brazil.

“I’m so happy. Thank you for the love from the Philippines and to my country, Brazil, we made it. I’m so happy and proud I’m bringing this honor to my home country,” pahayag niya.

Itinanghal naman bilang first runner up si Acacia Walker ng New Zealand

Second runner up si Cardona Valeria ng bansang Honduras.

Third runner up naman si Morgan Doelwijt ng Netherlands.

Stand out naman si Miss Philippines Ilene Astrid De Vera na pumuwesto bilang fourth runner up. Thankful ito para sa mainit na suporta na ibinahagi sa kanya ng mga Pilipino.

“I feel so happy right now, I did my best and I’m so proud. Thank you, Philippines for the support. I hope I made you all proud. Salamat!”

Si Francielly Ouriques ng Brazil ang successor ni 2016 Miss Asia Pacific International Tessa Le Conge ng Netherlands.