HomePower Beats Club

“Albie Casino: ‘It’s the best that I’ve had but not more exciting than the acting award’”

Albie Casino: ‘It’s the best that I’ve had but not more exciting than the acting award’

Albie Casino chooses acting award over his relationship with girlfriend.

Sa Tonight with Boy Abunda, sinabi ni Kean Cipriano, Albie Casino, at Joseph Marco kung ano ang pinaka-importanteng mga bagay sa buhay nila sa top three list na ibnigay sa kanila ng show.

Ani Kian, “I’m a musician (first) all the way, definitely. Music is number one in my life.” Dagdag pa niya, importante rin sa kanya ang acting at pagdi-direk at mga paraan din iot ng pagku-kwento. Aniya, “mahilig lang po talaga ako siguro magkwento.”

Para kay Albie, una sa kanya ang kanyang acting award. “This validates me as an actor… I’m not a bad actor. I’m not just a pretty face.” Sinabi pa niya na kung ililinya niya ang relationship niya sa girlfriend na si Michelle, “it’s a good relationship. It’s the best that I’ve had but not more exciting than the acting award.”

Si Joseph naman, sinabi niya na close siya talaga sa mom niya. Isa pa sa importanteng babae sa kanya ay ang kanya Wildflower costar na si Maja Salvador kasi “siya yung madalas na nakaka-trabaho ko ngayon and I really look up to her.”

Si Ria Atayde naman, ani Joseph, “she’s my closest friend.” Nase-share din daw niya kay Ria ang mga bagay tulad ng kanyang sex life. “Parang lalaki ang trato ko sa kanya.”