HomePower Beats Club

“Arabella de Leon ng ‘The General’s Daughter,’ trending sa Twitter”

Agad na nag-trending sa Twitter ang pangalang ‘Arabella de Leon’ matapos ipalabas ang pinaka-inaabangang episode ng sikat na primetime series na ‘The General’s Daughter’ noong Martes ng gabi, May 14.

Agad na nag-trending sa Twitter ang pangalang ‘Arabella de Leon’ matapos ipalabas ang pinaka-inaabangang episode ng sikat na primetime series na ‘The General’s Daughter’ noong Martes ng gabi, May 14.

Ito ay matapos i-reveal ang tunay na pagkakakilanlan ng karakter ni Angel Locsin bilang si Rhian Bonafacio. Si Corazon de Leon (Eula Valdez), na siyang tunay niyang ina ang nakatuklas nito matapos niyang makita ang teddy bear na pagmamay-ari ni Rhian.

[embedded content]

Nang sa wakas ay nagharap si Rhian at ang tunay namang ama nito na si Marcial (Albert Martinez) sa isang face-off habang napapalibutan ng mga tauhan ni Tiago (Tirso Cruz III) at Amelia (Janice de Belen), pinigilan ito ni Corazon upang sabihin ang katotohanan kay Rhian na siya ang nawawala nilang anak na si Arabella.

[embedded content]

Matapos siyang kidnapin bilang paghihiganti kay Marcial, ipinalaki ni Tiago at asawa nitong si Amelia si Arabella at ipinaniwala na siya’y anak nila na si Diana Guerrero. Simula bata ay sumabak na siya sa training upang maging double agent sa Army bilang si Rhian Bonifacio na ang ultimate mission ay patayin ang kanyang ama.

Samantala, marami naman ang humanga kay Angel at iba pang bumubuo ng powerhouse cast ng ‘The General’s Daughter’ matapos ang nasabing episode.

Tignan ang ilang tweets dito: