HomePower Beats Club

“French Spiderman, pinag-usapan dahil sa pag-akyat sa building sa Makati”

French Spiderman na sikat sa pag-akyat ng skyscrapers, inakyat din ang GT International Tower sa Ayala Avenue

Sa ulat ng Rated K, pinag-usapan sa social media ang French national na si Alain Robert o mas kilala sa bansag na “French Spiderman” dahil sa pag-akyat nito sa 47 floors ng GT International Tower sa Ayala Avenue sa Makati. Bukod sa pag-akyat sa mataas na building, ang mas ikinamangha ng mga nakakita sa ginawa niya ay ang pag-akyat ni Alain ng walang harness o yung tinatawag na free solo climbing.

Isang rock climber si Alain at maging ang mga sikat na skyscrapers sa mundo ay naakyat na rin niya ng walang harness. Ilan sa ito ang Petronas Tower, Eiffel Tower at maging ang pinakamataas na building sa mundo, ang Burj Khalifa.

Ayon sa 56-year-old na si Alain, “I started to climb buildings year 1994.” Dagdag pa ni Alain, kalimitan illegal ang ginagawa niyang pag-akyat sa mga buildings.

Ayon pa sa ulat, more than 200 buildings na sa iba’t ibang bansa ang naakyat ni Alain. Meron na rin daw itong world records tulad ng “most difficult descent for free solo.”

Hindi rin pagkahulog sa mga building ang kinakatakot ni Alain, kundi ang mga security guards daw dahil sa malalaking rifles nila.

Nitong January 2019, hinuli rin si Alain sa bansa dahil sa illegal na pag-akyat niya GT towers. Pero na-dismiss din naman ang kaso at pinagmulta na lang siya ng isang libong piso. Instant celebrity din si Alain na binisita pa ng kanyang mga Pinoy fans sa korte para makapagpa-picture. 

Pagtatapos ng ulat, nakabalik na si Alain sa Bali, Indonesia kung saan nandun ang kanyang pamilya.