HomePower Beats Club

“Gary Valenciano says Pops Fernandez is ‘perfect’ as one of the ‘Wall of world’s experts’ for ‘The World’s Best’”

Gary Valenciano, sinabi kung bakit hindi natuloy mag-judge sa global talent competition na ‘The World’s Best’

Sa ulat ng TV Patrol, bago pa diumano ang world premiere ng global talent competition na The World’s Best kung saan isa sa mga contestants ang TNT Boys, nabunyag na si Gary Valenciano ang isa sa dapat uupong 50 judges mula sa iba’t ibang bansa.

Pero naniniwala diumano si Gary na mas nilaaan ng Diyos para sa kanya na gawin ang World of Dance Philippines. Ani Gary, “The offer also for World’s Best came nung medyo may schedule na kami for World of Dance. I said meron tayong maipapakita sa buong mundo kung gawin natin ang World of Dance Philippines… at kung manalo ka pa dun you win two million pesos and a chance to compete in World of Dance US.”

Proud naman si Gary na napili ang kaibigan niyang si Pops Fernandez sa The World’s Best bilang isa sa Wall of the World’s Experts mula sa iba’t ibang sining. Pagpuri ni Gary kay Pops, “She’s perfect kasi marunong talaga si Pops mag-communicate sa artists, magbigay ng insight. She’s very good at expressing all of that and she’s had the experience also of being the Concert Queen that she is.” 

READ: Martin Nievera reveals ‘World’s Best’ asked him to become one of its ‘global experts’