HomePower Beats Club

“Jericho Rosales, sinorpresa ang mga nanood ng ‘The Girl in The Orange Dress’”

Malaki ang naging pasasalamat ng Kapamilya actor na si Jericho Rosales sa lahat ng sumuporta at nakapanuod na ng kanilang Metro Manila Film Festival entry na The Girl In The Orange Dress.

Kuwento ni Echo, sorpresa pa siyang bumisita sa ilang mga sinehan para maka-bonding ang kanilang audience.

“I went to some screenings. I had the chance, nagkaroon ng kaunting time sinurprise ko sila. They looked very happy. Siyempre masayang masaya ako doon,” sabi pa nag aktor.

Nagpasalamat din ang aktor kay Luis Manzano na isa din sa mga nag-sponsor ng block screening para sa kanilang pelikula.

“Grabe, thank you, bro. Maraming, maraming salamat sa iyo. Siyempre susuportahan niya si Jessy (Mendiola). Si Jessy naman talaga susuportahan niya eh! But of course we’re happy.” kuwento pa ni Echo.

[embedded content]

Tagumpay din sa telebisyon si Echo na lead character sa teleseryeng Halik na mainit pa din na pinag-uusapan ngayon. Ayon sa aktor, mas pinili niya ang extension ng project kaysa ang gumawa ng bagong project.

“Instead of starting a new soap na naman, okay ako doon sa extension para matagal ko pa sila makasama. And I think the story deserves to be extended,” pahayag pa nag aktor.