HomePower Beats Club

“Live version ng ‘Akin Ka Na Lang’ ni Morisette Amon, umabot na sa 80M ang views sa YouTube”

Sa kanyang Instagram Stories, nag-post ang pinamagatang ‘Asia’s Phoenix Diva’ ng kanyang pasasalamat sa lahat ng tumangkilik at patuloy na pinapanood ang kanyang live version ng nasabing hit kahit na noong Pebrero ng nakaraang taon pa ito in-upload.

“Sobrang nakakataba ng puso!”

Ito ang pahayag ng singer na si Morissette Amon matapos umabot ng mahigit sa 80 million YouTube views ang kanyang live performance ng sikat na kantang ‘Akin Ka Na Lang’ sa Wish 107.5 nitong linggo.

Sa kanyang Instagram Stories, nag-post ang pinamagatang ‘Asia’s Phoenix Diva’ ng kanyang pasasalamat sa lahat ng tumangkilik at patuloy na pinapanood ang kanyang live version ng nasabing hit simula pa noong Pebrero ng nakaraang taon.

Isinulat ng songwriter na si Francis Salazar, ang kantang “Akin Ka Na Lang” ay ipinasikat ni Morissette noong 2014 bilang official entry sa sikat na song writing at music video contest na “Himig Handog P-Pop Love Songs”. Nakasama ito sa Top 15 finalists, ngunit ang “Mahal Ko O Mahal Ako” na isinulat ni Edwin Marollano at in-interpret ni KZ Tandingan ang pinangalanang grand winner sa huli.

Panoorin ang buong video ditto:

[embedded content]