HomePower Beats Club

“LOOK: Yam Concepcion gets fiercer as a cover girl”

First time cover girl Yam Concepcion poses for the December issue of a fashion magazine.

In character as Jade ng trending teleserye na Halik ang pose ni Yam Concepcion para sa isang fashion magazine. Sa Instagram post ni Yam, ipinakita niya ang ilang fierce photos mula sa Preview magazine. 

“Hi sissies!!! My first @previewph cover is finally out x, Jade,” sabi sa caption ng naturang post ng aktres na nakasuot ng snakeskin pattern dress.

Samantala, kamakailan ay kinilalang Most Trending Teleserye Actress si Yam Concepcion, para sa pagganap bilang kabit sa Halik.

READ: Yam Concepcion, kinilalang Trending Actress of 2018

Sa huling panayam naman ng PUSH, ibinahagi ni Yam na malaki rin ang naitulong ng kanyang bashers sa kanyang karera ngayon.

READ: Bakit malaki ang pasasalamat ni Yam Concepcion sa kanyang mga bashers?

Patuloy na mapapanuod si Yam sa Halik, gabi gabi sa ABS-CBN Primetime Bida.