HomePower Beats Club

“Marissa Sanchez at Giselle Sanchez, itutuloy ang Rico J. Puno concert bilang tribute show”

Isang tribute show ang mapapanood sa naiwang concert ni Rico J. Puno, ayon kina Marissa at Giselle Sanchez.

Tuloy pa rin ang concert na naiwan ng yumaong OPM Icon na si Rico J. Puno. Sa concert na pinamagatang Music and Laughter: Sana Tatlo Ang Puso Ko, ipagpapatuloy ito ng mga kasamahan dapat ni Rico na sina Marissa Sanchez at Giselle Sanchez. Aniya, gagawing itong tribute para sa kanya. Ito ang update nila sa episode ng Magandang Buhay ngayon Biyernes, November 23.

Ibinahagi ni Giselle sa momshie-hosts ang kanilang pagkabigla sa pagpanaw ng OPM icon. “Actually nagulat kami sa pagkawala niya. In fact, doon sa press con tinanong ‘yon, paano kung may mangyari kay Rico J.? Parang paano kung may mangyari? Sabi ko ‘walang mangyayari, he’s at the peak of his health, the doctor gave him a clean bill of health.” 

Dagdag ni Giselle, tila isang premonition ang huling interview nila kasama si Puno, maging ang pamagat ng kanilang concert. “Pero parang marami nang premonition kasi tinanong na ‘yon, tapos ‘yung title pa namin ‘Sana Tatlo Ang Puso Ko’ kasi kung tatlo nga naman ang puso niya ay nandito pa siya nagpa-plug.”

READ: Rico J. Puno passes away at 65

Bukod kay Giselle at Marissa, makakasama sa nasabing concert ang mga anak ni Rico na sina Rox at Tosca.

Magaganap ngayong Biyernes, November 23, ang tribute show sa The Theater at Solaire.

READ: Celebrities express grief over the passing of OPM legend Rico J. Pun