HomePower Beats Club

“McCoy De Leon to Elisse Joson: ‘Miss na miss na kita'”

Sa isang madamdaming interview, inalala nina McCoy De Leon at Elisse Joson ang mga masasayang pinagsamahan nila noong mga nakaraang taon. Matatandaang nagkaroon ng di pagkakaunawaan ang dalawa na naging dahilan ng pagkakabuwag ng kanilang love team. 

Sa pagbabalik tambalan nila para sa movie na Sakaling Maging Tayo hindi napigilan ng McLisse na mag-reminisce ng ups and downs na kanilang pinagdaanan. 

Una, inalala ng dalawa ang last memory nila noong magkasama sila sa Pinoy Big Brother Lucky Season 7, kung saan sila naging malapit sa isa’t isa. Sinabi ni McCoy na birthday noon ni Elisse kaya iniisip niya kung anong ginagawa nito sa labas ng bahay habang siya naman ay nanatili sa loob bilang parte ng Big 6. Pinabalik si Elisse ni Big Brother sa loob ng bahay na naka-princess outfit, na ikinatuwa ni McCoy dahil, “pangarap niya maging princess.” 

After the first question, nag-umpisa nang maging emosyonal ang dalawa at naluha na nang alalahanin ang iba pang lasts sa kanila tulad ng kung kelan sila huling nag-hug at nagsabi ng ‘I love you’ sa isa’t isa. 

Nagsimulang maluha ang dalawa nang sabihin ni McCoy ang, “Mali ko kasi, sinakripisyo kung ano man ‘yung sa amin, for the sake of happiness of family.”

Lalo pang naiyak Si McCoy at Elisse nang magbigay sila ng mensahe nila sa isa’t isa.  

“ We did it.‘Yung pinangarap nating movie, natapos na natin. Hindi siya naging madali, but natapos natin. I’m happy na ikaw ‘yung nakasama ko sa first movie ko. Sabi ko sa ‘PBB’ dati, sana huwag mo akong kalimutan, I will always support you kahit from afar. Ganu’n din ‘yung sasabihin ko ngayon. I will support you from afar. Always akong magiging proud sa mga gagawin mo. I’ll be rooting for you sa mga pangarap mo,” sabi ni Elisse. 

“Gusto ko lang sabihin na sobrang minahal kita. Ang dami kong nagawa na hindi ko akalaing magagawa ko para sa isang babae. Lagi pa rin kitang inaalala, iniisip, kung okay ka. Huwag sana siyang mapunta sa maling tao, lokohin, saktan. Kasi kung makita man kitang nasaktan, malungkot, hindi ko rin siguro kaya. Miss na miss na kita. Pero, bata pa tayo. Hindi pa naman katapusan ng mundo. Hindi pa katapusan ng buhay natin… Sa ngayon, sila muna maging happy. Alam mo na ibig sabihin ko doon,” sabi naman ni McCoy. 
Panoorin ang nakakaiyak na interview ng McLisse dito: 

[embedded content]

Ipapalabas sa mga sinehan ang Sakaling Maging Tayo sa January 16.