“Miss Universe Holiday Tour Calendar of Activities”

The beauties will be visiting Batanes, Bohol and Camiguin.

Dumating na nitong Martes, December 5, ang Miss Universe Queens para sa magkakasunod na charity at tourism events na sinusuportahan ng Miss Universe Organization at ng Department of Tourism.

Suot ang kanilang mga Miss Universe pagent sash, isa isang rumampa sa NAIA terminals ang beauty queens na excited sa kanilang pagbabalik at ang iba naman at first time na pagbisita sa bansa.

Magkasabay sa arrivals si a Miss Spain, Miss Italy at Miss Russia.

Ang miss Universe 2017 top 16 semi-finalist na si Miss Great Britain at Miss China naman ang magkasabay na nagpasabog ng ganda sa airport arrivals ng NAIA.

Nagbabalik naman si Miss Singapore na una nang naging kandidata ng kanyang bansa sa Miss Earth Pageant taong 2016.

At nitong December 6 hectic ang naging schedule ng mga Miss Universe na  namasyal sa mga iconic scenic spots sa Metro Manila gaya na lang ng Luneta at sa Intramuros

Usap-usapan din ang naging pagkikita nina 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach , 2016 Miss Universe Iris Mitternaere at ng reigning Miss Universe na si Demi Leigh nel Peters.

At ngayong araw naman December 7 ang pinakahihintay naman na kanilang pagrampa sa isang charity fashion show na magaganap sa isang hotel sa Pasay.

Sa calendar of activities naman na inilabas ng Department of Tourism tatagal hanggang Linggo December 10 ang nag gagandahang Miss Universe Queens dito sa Pilipinas.

Narito naman ang unofficial schedule ng Department of Tourism para sa Miss Universe Holiday Tour:

December 6 Media interviews at Dusit Thani Hotel na susundan ng Welcome dinner sa Solaire Eclipse bar.

December 7 Charity Fashion Show at Solaire Ballroom 

December 8 Miss Universe visits Batanes, Bohol and Camiguin

December 9 Women of Significance: Department of Tourism Gala night at Sofitel Tent.

Sa December 10 ang nakatakdang schedule ng kanilang pag-alis ng bansa.

You may also like...

Twitter Auto Publish Powered By : XYZScripts.com