HomePower Beats Club

“Vice Ganda takes charge of ‘Gigil Kid’ Carlo Mendoza’s schooling”

Nagpasalamat si ‘Gigil Kid’ Carlo Mendoza sa tulong ni Vice Ganda sa kanyang pagpapatuloy ng pag-aaral.

Itinupad ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang pangakong pag-papaaral kay Gigil Kid Carlo Mendoza, noong unang guesting nito sa Gandang Gabi Vice. Ayon sa update mula mismo kay Carlo, kasalukuyan na siyang nasa Grade 1, at magpapatuloy ang suporta ng komedyante hanggang makatungtong siya ng Grade 6.

“Si Mama Vice rin ang nagpapaaral sa akin po… hanggang Grade 6,” sabi ni Carlo sa episode ng Magandang Buhay kahapon, May 15.

Bilang lumaki sa magkahiwalay na magulang at nakatira sa ama, itinuturing na ring parang ina ni Carlo si Vice Ganda. “Si Mama Vice (Ganda), kasi nanay ko na po siya. Kasi mabait po (siya). Kahit ano pong hilingin ko, ibinibigay niya po.

“Mama Vice, masaya ako sa iyo, wala na akong hihilingin,” ang nakaka-touch na pahayag ng viral kid sa mga momshie hosts.

Unang nakilala si Carlo dahil sa nag-viral nitong video kung saan ay matapang niyang pinagtanggol ang kapatid. Noong October 2017, naging emosyonal si Vice sa kanyang interview kay Carlo dahil sa pagiging totoo nito at sa pagmamahal nito sa ama. 

[embedded content]

Matapos ang magkabilang mga guestings at interviews sa TV, nagsimula na ring pasukin ni Carlo ang showbiz nang maging kid judge siya sa talent show na The Kids’ Choice, noong nakaraang taon.