HomePower Beats Club

“Vico Sotto, ipapaubaya na lamang sa Diyos ang kanyang love life”

Pag-amin ng Pasig mayor-elect na si Vico Sotto, busy siya sa kanyang trabaho bilang isang public servant para magkaroon ng panahon sa pag-ibig.

Matapos mahalal na mayor ng Pasig, ibinahagi naman ni Vico Sotto ang kanyang hangarin upang mapaganda at mabago pa ang kanilang lungsod. Ang pagtutuunan naman niya ng pansin ay ang health care ng kanyang constituents at ang ilang pagbabago sa batas trapiko.

At around 2:15pm May 14, after waiting for over 12 hours at City Hall, Roman Romulo & I were proclaimed congressman & mayor elect. Moments before I was proclaimed, a man approached me, “6 months mula nung nag-file ka, pero para sa’min, 12 years in the making ‘to.” I am overwhelmed. Thank you, Pasig, for trusting me. Thank you to everyone who has been a part of this, in big ways or small. I am blessed to be the face of this fight, but I understand that this goes way beyond any one of us. Change comes with uncertainty and fear, but change is inevitable if we want to improve. Let us forget petty politics and work together to realize positive reforms and fulfill our dreams and visions for our Pasig City.

A post shared by Vico Sotto (@vicosotto) on May 15, 2019 at 9:16pm PDT

Nang makapanayam naman ng DZMM si Vico, kung gaano naman siya kapursigidong baguhin ang lungsod, kabaliktaran naman ito pagdating sa kanyang love life.

Inamin ni Vico na hindi naman siya nagmamadali at pabiro pang sinabi na, “Wala pa ho [akong girlfriend], baka mayroon kayong maire-rekomenda?”

“Sa sobrang busy ko ho sa kampanya and ngayon ho, kahit kakatapos lang ng eleksyon eh busy na rin po tayo dahil sa pagaayos nga ng transition. Diyos na po siguro ang bahala,” aniya.

Si Vico ay anak ng aktres na si Coney Reyes sa beteranong TV host na si Vic Sotto ngunit mas pinili ni Vico na ‘wag tahakin ang mundo ng showbiz. Bago maging mayor ay konsehal siya ng Pasig.